Kailangan ko ng aborsyon Protektahan ang iyong buhay at kalusugan!

 

Hindi mo ba kagustuhang mabuntis? Ang online medical abortion service na ito ay tumutulong sa mga kababaihan upang makapagsagawa ng ligtas na pagaaborsyon gamit lamang ang tableta upang mabawasan ang bilang ng mga namamatay dahil sa hindi ligtas na pagpapalaglag.
Semua informasi terkait prosedur, pengiriman dan tindak lanjut akan dikirimkan dalam bahasa anda. Anda juga dapat menuju bagian Pertanyaan & Jawaban dalam bahasa anda. Saat ini kami tidak memiliki staf helpdesk dalam bahasa Indonesia, silakan menulis kepada kami dalam bahasa inggris jika anda punya lebih banyak pertanyaan."

abortion pills

Paano makakuha ng ligtas na gamot sa pagaaborsyon?(paano makapagsagawa ng ligtas na pagaaborsyon gamit ang medikal?)

Sa website na ito, ilalapit ka sa isang lisensyadong doktor na maaring makatulong sayo upang makapagsagawa ka ng ligtas na pagaaborsyon gamit ang medikal. Pagkatapos mong makumpleto ang online consulatation at kung walang contraindication (dahilan para hindi ka maaring gumamit ng gamot sapagkat maaaring makasama ito sa iyo), ang mga medikal na pampalaglag (mifepristone at misoprostol) ay ipadadala sa iyo. Ang medikal na pagaaborsyon ay maaring isagawa ng ligtas sa loob ng tahanan hanggat mayroon kang sapat na kaalaman at kaya kang maidala sa ospital o klinika na kaya kang mabigyan ng medikal na pangangalaga kung sakali mang magkaroon ng komplikasyon (na napakabihirang mangyari).

Matutulunga ka lamang ng doktor kung :

  • Ikaw ay nakatira sa bansa kung saan  ang ligtas na pagaaborsyon ay ipinagbabawal.
  • Ikaw ay hindi hihigit sa ika-siyam na linggo na nang pagbubuntis
  • Wala kang malubhang karamdaman

Bago mo simulan ang online na konsultasyon, subukan mo munang mag pregnancy test at hanggat maaari ay magpa-ultrasound. Ang konsultasyon ay maglalaman ng 25 katanungan. Sa ika-huling bahagi ng konsultasyon ay hihingi kami ng pahintulot mula sa iyo upang mailapit at maipakita  sa doktor ang  lahat ng impormasyong iyong binigay. Ang lahat ng impormasyon ay maaasahan mong mananatiling lihim na nakatago. 

Sa huling bahagi ng konsultasyon ay tatanungin ka kung kaya mo magbigay ng 90 euro na donasyon. Ang Women on Web ay isang non-profit na proyekto na naghahanap ng suporta para sa mga kababihan. Ang donasyon ay parte ng chain of solidarity na kailangan upang mapanatiling online ang website at upang makasiguro na masusuportahan din ang ibang kababaihan. Kung ikaw ay magbibigay ng mahigit 90 euro, matutulungan mo kaming makapagbigay ng serbisyo sa ibang kababaihan na hindi kayang magbigay ng buong donasyon na 90 euro. Kung ang  inyong ekonomiya ay nasa mahirap na sitwasyon, mangyaring makipagugnayan parin sa amin : magkasama tayong maghahanap ng paraan para matulungan ka parin.

Para sa iba pang impormasyon tugkol sa medika na pagaaborsyon, mangayaring tingnan sa Questions and Answers. . Para malaman mo kung sino kami tingnan sa About Women on Web

kung ikaw ay may nais itanong magpadala ng email sa (info@womenonweb.org

Kung posible ay isagawa ang online na konsultasyon sa iyong sariling wika 

Sa pagsisimula ng konsultasyon, ako ay ilalapit sa isang doktor. Sumasang-ayon ako na sasagutin ko ang mga sumusnod na dalawamput limang  katanungan(25 questions) tungkol sa aking kalusugan ng buong katapatan.